SA IYONG PAG-ALIS
(alay kay Aida del Castillo, M.D>

Masakit tanggapn ang katotohanan
Na ikaw at kami ay maghihiwalay
Ang tanging samo ko'y huwag kalimutan
Kaming naririto na iyong iiwan.

Sa iyong pag-alis ay iyong baunin
Ang masayang araw na samahan natin
Nguni't tandaan mo at laging isipin
Darating ang araw na babalik ka rin.

Malungkot kami sa iyong pag-alis
Dahil mabait ka at puso'y malinis
Kung saka-sakaling ikaw ay magipit
Naririto kami na handang sumagip

At sa pag-alis mo, iyo ring isama
Ang aming hangaring kayo;y lumigaya
Kami'y nagdarasal, kami'y umaasa
Na ang buhay ninyo;y magiging masaya.

Sa iyong pag-alis ay ito and alay
Tula na kinatha ng abang isipan
Ang tanging hiling ko ay iyong ingatan
Itago't mahalin habang nabubuhay

Cayetano G. Santos, M.D.
Chattahoochee, Florida
July 21, 1995.

-"On your Departure" was published in The Newsletter Aug 1995.