SA ARAW NG PASKO

Malamig na naman ang simoy ng hanign
tila sinasabing pasko ay darating
Pagsapit ng pasko'y ating idalangin
lahat sana tayo ay magkakapiling

Ang araw ng pasko'y araw ng pagsilang
ni Jesus na anak ng Poong Maykapal
Ang araw na ito'y dapat ipagdiwang
ng lahat ng tao sa mundong ibabaw.

Pagsapit ng paskom tayo ay magsaya
saglit na limtn hirap at pangamba
Tayo ay manalig at saka umasa
na ang Pilipino'y laging lumigaya.

Kapag sumapit na ang ara ng pasko
tayo'y magpalitan ng mga regalo
Tayo;y sama-samang tumulong ng husto
sa lahat ng mga mahirap na tao.

Sa araw ng pasko,tayo ay magdasal
magtagumpay sana itong kapisanan
Samaan ng loon at mga alitan
ay dapat limutin o kaya'y iwasan

Cayetano G. Santos, M.D. Chattahoochee, Florida.

-"The day of Christmas" was published in The Newsletter Dec. 1995.