TILAMSIK NG ISIP
ni Taning Santos

Kilala po nating lahat ang artistang si Estrada,
Na ngayon ay pulitiko't sa pangulo'y pangalawa;
Minsan siya'y nakaisip sa kasino ay magpunta,
May piniling limang tao na "bodyguard" na kasama.
Subali't nang papasok na'y bigla siyang may nabasa,
Ang lahat ng "below 18"  sa pagpasok hindi ubra;
Si Estrada ay huminto at sinabi sa kasama,
Hindi puedeng makapasok dahil anim lang daw sila.


Isang Pinoy, isang British, at ang isa'y Italiano,
Slang tatlo'y sama-samang naglibot sa buong mundo;
At pagdating sa Florida ay tinanong silang tatlo,
Kung sila ay magtatagal sa Miami at Orlando,
And British man ay sumagot at ang sabi'y "I'm afraid so"
Nang ang Pinoy ay tanungin ay sumagot ng ganito:
"I will not be afraid, kahit saan handa ako."

Hanggang dito muna mga kababayan,
Umasa po kayo na ito'y susundan."


-"Mind Wanderings" was published in Tambuli Spring 1996.