MGA BIRONG PILIPINO

by Taning G. Santos
Chattahoochee, FL


Sa Olympic sa Atlanta, may sumaling isang Pinoy,
sumali sa paligsahang pabilisan ng paglangoy;
Malungkot and naging wakas, masaklap ang naging hatol,
natalo na sa karera'y nalunod pa sa swimming pool.

Mayroon namang Pilipino na kumain sa restaurant,
pagkatos makakain, siya'y agad nilapitan ng waitress
na nakangiti na nagtanong ng "Are you done?"
Sumagot and Pilipino "I am sorry my dear madam,
Ako po ay hindi si Dan, ang pangalan ko'y Esteban."

Marami pang mga biro ang akin pong sasabihin,
sa susunod na Tambuli ay abangan at basahin.

-"Filipino Jokes" was published in Tambuli Fall 1996.