BATO-BATO SA LANGIT
 by Taning Santos

Doon po sa Chatahoochee, meron kaming kapitbahay
Na dalawang Pilipino na hindi nag-iimikan;
Pataasan sa paglipad, palagi ng may inggitan
Madali kong nahalata na sila ay nag-aaway;
Isang araw nabalitang sila raw ay nagbarilan,
Ang kawawang mga anak, naulila ng lubusan.
May parada na ginanap sa lunsod ng Tallahassee,
Ang Samahang Pilipino malugod na sumali;
Pagkatapos ng parada, meron akong naadiskubre,
Merong isang Pilipino na nainis sa nangyari;
zKaya pala nagmumura at ang galit ay matindi,
Dahil sa ang bunsong anak, sa parada'y 'di nasali.

"Sa akin pong tula, huwag magagalit,
 Ito po'y boiro lamang na katha ng isip."

-"Bird in the Sky" was published in Tambuli Spring 1997.