ARAW NG PAGLAYA
Kung buwan ng Hunyo ay ating tandaan,
araw ng paglaya’y ating ipagdiwang;
Unawain nating paglaya’y nakamtan
ng dahil sa hirap na pinagdaanan.
Maraming bayani nitong ating bansa,
nagtiis, naghirap, nasawi sa digma;
Ang kanilang mithi’t layuning dakila
ay upang ang bayan ay maging malaya.
Nang tayo’y sinakop ng Kastila’t Hapon,
maraming namatay sa hirap at gutom;
Nagtagumpay tayo na sila’y itaboy,
tayong Pilipino’y malaya na ngayon.
Tayo ay mag-ingat, huwag pabayaan
na maging alipin ng mga dayuhan;
matamis langhapin ang hanging amihan,
kapag sa paligid ay may kalayaan.
...Cayetano G. Santos, M. D.
Chattahoochee, Florida
-"The Day of Freedom" was published in Tambuli June 2000.