PAALAM…ESTRADA
Marami sa ating mga Pilipino,
hindi nag-iisip kapag bumoboto;
ang mga artistang kulang sa talino,
sa mga halalan, madalas manalo.
Ang naging pangulong si Joseph Estrada,
magandang lalaki at dating artista;
sa pangungurakot na ginawa niya,
ang pera ng bayan ay halos ubos na.
Ang peso ay lalo’t tuloy na humina,
ang palit sa dolyar labis na bumaba;
ang mga bilihin tumaas na bigla,
ang sakit ng bayan ay lalong lumubha.
Sino ang maysala na dapat sisihin?
kundi si Estrada na ibinoto natin;
maraming asawa ang nakakasiping,
mahilig sa sugal, madalas ay lasing.
Si Joseph Estrada ay dapat na isumpa,
dahilan sa kanyang masamang ginawa
ang mga senador na kanyang alaga,
ay tulad ng hayop at malansang isda.
Paalam sa iyo, paalam Estrada,
natutuwa kaming ikaw ay wala na;
kami’y nagdarasal, kami’y umaasa,
salaping ninakaw, ibalik mo sana.
…Cayetano G. Santos, M. D.
Chattahoochee, Florida
-"Goodbye, Estrada" was published in Tambuli Mar. 2001.