ANG PINTAS KO’T PAYO

Huwag sana ninyo na ikagagalit,
Ang pintas ko't payo na parang kapatid;
Marami sa inyo'y walang malasakit,
Sa ating samahan ay ayaw sumanib.

Bakit ayaw ninyo na maging kasapi?
Sa ating samahang sagisag ng lahi;
Marahil ang dahil at tunay na sanhi,
Hindi makabayan ang puso't ugali.

Sa lahat ng dako't lahat ng panahon,
Tayong Pilipino ay magtulong-tulong;
Kung may kababayang hikahos at gutom,
Sama-sama nating sa hirap ibangon.

May bagong pangulo ang ating samahan
Na ating pinili't pinagtiwalaan;
Kaya ang payo ko ay ating tulungan
Sa pagtataguyod nitong kapisanan.

Cayetano G. Santos, M.D.

-"My Criticism and Advise" was published in Tambuli Mar. 2002.