PRO-CHOICE
Mga kababayan, tayo ay gumising,
Sa napakatagal na pagkakahimbing;
Ang kinabukasan ay tila madilim,
Sa Pilipinas na bayang mahal natin.
Tunay na mahirap ang lagay ng bayan,
Dahil sa maraming walang hanap-buhay;
Marami ang taong walang matirahan,
Maraming pook ang magulo't siksikan.
Dahil sa maraming mga katoliko,
Tutol putulin ang pagdadalang-tao;
Labis na dumami tayong Pilipino,
Na nagiging tinik sa ating gobyerno.
Pro-life o pro-choice ang madalas na tanong,
Alin kaya dito ang susundin ngayon?
Maraming problema sa lunsod at nayon,
Dahil sa pagdami nating mga Pinoy.
Oras na marahil na ating baguhin,
Ang paniniwala at alituntunin;
Ang babaeng buntis kung ibig laglagin,
Huwag pagbawalan at huwag pigilin.
Bagama't maraming tutol sa abortion,
Ito ay mabisa na isang solution;
Upang mapigilan at ating ma-control,
Ang sobrang pagdami nitong population.
The frightening prediction is that in 20 years, the
Philippines won't be able to produce enough food to
feed 130 million Filipino people.
Cayetano G. Santos, M. D.
Florida State Hospital
Chattahoochee, Florida
-"Pro-choice" was published in Tambuli March 2003.