ANG ATING PANGULO
(Gloria Arroyo)

Ang ating bayan ay muling ibinoto,
ang dating pangulong si Gloria Arroyo;
marami ang naging mga kandidato,
na tunay na ibig na maging pangulo;

mabuti na lamang at hindi nanalo,
ang artistang sikat na si Fernando Poe;
dahil di-nag-aral at walang talino,
na maging pinuno nating Pilipino.

Ngayong natapos na ang naging halalan,
at ang humatol ay mga taong-bayan;
ang mga nanalo at mga talunan,
magkaisa sana at huwag mag-away;

maraming problema ang dapat lunasan,
upang makabangon sa hirap ng buhay;
ang aking dalangin sa Poong Maykapal,
ang ating pangulo sana ay tulungan.

— Cayetano G. Santos, M. D.
Chattahoochee, Florida

-"Our President" was published in Tambuli Sept. 2004.