TAMBULI

Ang Tambuli pag hinipan
may tunog na maririnig,
naghuhudyat ng balitang
may darating na panganib;

Ang Tambuli ay sandata
na mabisang magagamit
upang agad mapadala
ang saklolong ihahatid;

Noong tayo ay sinakop
ng dayuhang malulupit
Nang tumunog ang Tambuli,
Pilipino'y naghimagsik.

Mababasa sa Tambuli
ang maraming nangyayari,
sa buhay ng Pilipino
sa lunsod ng Tallahassee;

Lahat tayo ay mapalad
na ang ating presidente,
sa pagtupad ng tungkulin,
hindi pansin ang sarili,

Nguni't ating mapapansin
dahil tayo ay marami,
kung minsan ay may alitan
at usapang di-mabuti.

Kung sino man ang may ibig
na magkalat ng balita,
Kung sino man ang may nais
tumulong sa kawang-gawa,

Kung sino man ang may ibig
magpadasal kay Bathala,
At sino man ang may tunay
na magandang panukala;

Ito'y agad matutupad
at madaling magagawa;
Ipadala kay Barbara
sa Tambuli'y malathala.

Cayetano G. Santos, M.D.
2513 Spring Forest Road
Tallahassee, Florida 32301

-"Tambuli" was published in Tambuli Mar. 2005.