PAGBABAGO
(Sa Simbahang Katoliko)
Marami sa ating mga Pilipino
Ay isinilang na mga katoliko;
Upang makasunod sa utos ni Kristo,
Tayo'y bininyagan na maging kristiano.
Marami ang bagay na dapat baguhin,
Sa alituntunin ng simbahan natin;
Kung pag-aaralan at pag-iisipin,
Ang pangungumpisal ay dapat alisin.
Ang lahat ng pari sa ating simbahan,
Ay tulad din nating may tukso sa buhay;
Hindi naman tama na sila'y bawalan
Na magka-asawa at maging magulang.
Ang lahat ng pari ay mga lalake,
Bawal ang magpari sa mga babae;
Ang batas na ito ay hindi mabuti,
Dapat na baguhin o kaya'y itabi.
Dahil sa bago na ang Papa sa Roma,
Punong katolikong ating sinasamba;
Ang mangyari sana ay baguhin Niya,
Ang maling aralin sa Santa Iglesya.
Cayetano G. Santos, M. D.
-"CHANGE (in Catholic Church)" was published in Tambuli June 2005.