ANG ATING PANGULO
(Our President)
Matigas ang ulo ng ating pangulo,
Hindi sinusunod ang gusto ng tao;
Ayaw na makinig sa mga nagpayo,
Na pabalikin na ang mga sundalo.
Ang ating pangulo'y iba ang ugali,
Ayaw na tumanggap ng pagkakamali;
Hindi alintana na namimighati,
Ang mga ulila ng mga nasawi.
At ang masama pa'y kanyang dinamihan,
Ang mga sundalong lumusob sa laban;
Huwag naman sanang sundalo'y masaktan,
O kaya'y umuwing malamig na bangkay.
Ang ating pangulo ay dapat pigilin,
Sa maling pagtupad ng kanyang tungkulin;
Dahil sa talagang siya'y sinungaling,
Huwag maniwala kung may sasabihin.
Sa panunugkulan ng ating pangulo,
Ang kapangyarihan ay inaabuso;
Kung may nagkasala na kanyang amigo,
Ay pinatatawad at inaabsuelto.
May isang taon pa na manunungkulan,
Ang ating pangulong galit na ang bayan;
Sa panahong ito'y ating ipagdasal,
Na siya'y magising sa katotohanan.
. . . Cayetano G. Santos, M. D
Tallahassee, Florida
- "Our President" was a poem about Pres. George W. Bush. It was published in Tambuli Summer 2007.