Dalangin Sa Pasko
-Taning Santos-
Ang Pasko ay nagsimula nang si Hesus ay isilang,
Sa maruming mga damo na naroon sa sabsaban;
Palibhasa'y isang Diyos sa gawa at sa pangalan,
Ay nagtiis upang tayo'y tubusin sa kasalanan.
Ang dumalo'y tatlong hari na naghandog ng regalo
Ang sagisag ay dakilang hangarin ng mga tao;
Mula noon pagdating at pagsapit na ng Pasko,
Sama-samang nagdiriwang ang tao sa buong mundo.
Tayong mga Pilipino ay likas na madasalin,
Dahil tayo ay Kristiano't maka-Diyos ang damdamin;
Sa pagsapit nitong Pasko'y atin sanang idalangin,
Ang Samahang Pilipino'y magtagumpay ang layunin.
- "A Christmas Prayer" was published in Tambuli Winter 1997.