Sa Pagpili ng Pangulo
ni Taning Santos, M.D.
Halina, halina, mga kababayan
tayo'y sama-sama't ating pag-isipan
kung sino ang ating dapat na ihalal
na maging pangulo nitong kapisanan.
Ang dapat piliin na maging pangulo
ay taong may oras gawin ang trabaho;
alam na gamitin isip at talino,
upang mapatanyag tayong Pilipino.
Ang unang layunin ay mapagkaisa,
lahat tayo ritong nasa Amerika;
tulong-tulong tayo sa mga problema,
sama-sama tayo sa dusa't ginhawa.
Sino man and maging pangulong mahalal,
buklod-buklod tayo na siya'y tulungan;
may aral po tayo na dapat tandaan,
"Sa pakakaisa ang pagtatagumpay."
- "Of Choosing a President" was published in Tambuli Summer 1997.