Ang Tambuli
ni Taning Santos
Ang tambuli ay sandata na mabisang magagamit,
Kung sakaling ang buhay ay nasa bingit ng panganib;
Kapag ito ay hinipan, may tunog na maririnig,
Maghuhudyat na saklolo'y kailangang maihatid.
Ang tambuli ang pangalan nitong ating pahayagan,
Magkakalat ng balita na tungkol sa kapisanan;
Ang tangi kong hinihiling sa lahat ng kababayan,
Ilathala sa "TAMBULI", panukala't karaingan.