Ang Bagong Pangulo
Ang bagong pangulong si Joseph Estrada,
Magandang lalake at dating artista;
Nguni’t di natapos at walang diploma,
Kulang sa talino’t maraming asawa.
Doon sa Malolos, siya ay sumumpa,
Na bilang pangulo nitong ating bansa;
Ang pangako niyang sinabi sa bansa,
Pupuksaing lahat ang gawang masama.
Ang lahat ng pintas sa ating pangulo,
Dapat na limutin, alisin sa ulo;
Katungkulan nating mga Pilipino
Na siya’y igalang, tulungan ng husto.
Maraming problema ang dapat lunasan,
Sa balikat niya ay nakasalalay;
Ipagdasal nating siya’y magtagumpay,
Upang guminhawa itong ating bayan.
…Cayetano G. Santos, M. D.
- "The New Presidentt" was published in Tambuli Sept. 1999.